first time kong subukang mag gym kahapon
di ako vain na tao.
wala akong pakialam
sa sarili ko
kung dugyot ba ako o hindi
wala di akong pakilam sa mga
sinasabi ng tao sakin.
ang mahalaga
komportable ako sa mga
pinag ga gawa ko.
pero pag dating sa kalusugan.
mahirap nang deadmahin
dahil ang balik nyan sayo din.
maraming nakakapuna sa lifestyle ko
na puro inom, walang exercise.
kumbaga ehhh
cemetery lifestyle.
hanggang sa dinapuan ako ng isang
nakakahawang sakit........
(joke lang)
pero nung nagkasakit ako.
sabi ng doktor na sumuri sakin
kailangan ko ng tamang pagkain
at ehersisyo, kung kinakailangan din
inadvice nya na mag SAUNA ako.
(*nye meron ba nyan sa pinas? kung meron man,di ako interesado)
dahil tuwing umaga ang exercise ko ehh...
tumakbo..
ng tumakbo sa ayala ave......
dahil late na ko sa trabaho.
hanggang
sinubukan ko mag GYM
sa mga mumurahing Gym na malapit sa amin
akala ko madali..
pota tagaktak ang pawis ko..
una nag biking
(* yung bike na di tumatakbo)
hanggang sa weigh lifting...
tangina wala pang isang oras
nag dilim ang paningin ko...
di ko makita ang mga tao..
pumasok ako ng CR
nilabasan ako...
sa bibig..
tangina sumuka ako
sa sobrang hilo at pagod
(*sumusuka lang ako pag lasing)
biglang nag flashback sakin ang show na
biggest looser
na nung una
na we weirduhan ako
nag weight lifting lang sumuka na.
ngayun ako naman, ang nakaranas
lupay pay akong umuwi sa aming bahay
napansin ni INA ..
"ohh anung nangyari, namumutla ka, ang haggard mo"
"ok lng ako, hinabol lang ako ni rachel weisz sa shooting ng bourn legacy"
"puro ka kalokohan-kumain ka na dyan, at hugasan mo pinagkainan mo"
(*pano ako kakain , di ko maangat ang mga braso ko)
pati kutsara di ko mabuhat.
isa na kong
BALDADO
gustuhin ko mang umatras
nag bayad ako ng monthly
kaya no choice
kesa masayang ang pera
idag dag na lng sa muscle
para masaya.