Sariwang sariwa pa sakin ang mga pangyayari kasi kanina lang, oo , kanina lang umaga, pag minamalas ka nga naman oh.,
Ganito ang nangyari, Wednesday June 1 , habang nag se- search ako ng sapatos sa isang online shop, napukaw ang tingin ko sa isang laptop na naka display sa bandang ibaba ng screen,
ehh dahil kailangan ko rin ng mumurahing laptop binuksan ko sya maganda ang mga actual na pictures mukang alaga ng may ari.
ang presyo nya P10,000, mura na at maayos naman ang specs ng computer,
kinunsulta ko muna sa aking ama ang mga bagay bagay na nadiskubre ko, sabi nya hati daw kami sa price, pumayag ako di na mabigat para sakin...Nag txt ako kinabukasan june 2 (thurs) sa advertiser eto ang naging palitan namin ng txt:
AKO:gud eve, nakita ko ad mo sa ayosdito.com , available pa ba ang laptop?
JOHN: hi dis is john cruz padilla, yes po available pa po, kindly read po ang ad maigi kasi asa subic ako naka base pero taga pasig ako.
AKO: oo e2 nga ni rereview ko ulit. ang layu ,di ka ba umuuwi ng pasig kahit once a week?
JOHN: hindi eh, ok if you want we can apply the half price basis, half muna then pag na receive mo yung package, tsaka na yung half. (*market talk)
AKO: ok much better, cge txt kita consult ko muna...
JOHN: i can send copies of my i.d. for peace of mind. through LBC lang po ako ngpapadala.
Ito ang mga I.D. nya, na binigay, gusto ko sana i verify muna sa SSS yung identity ng tao, kaya lang ang hassle, pupunta pa ko sa Quezon City, sa website naman walang access para ma verify yung identity ng tao.
Cont.
JOHN: you can pay sa LBC for pick up kamo para ill verify bago ako magpadala, this is my address #28 atis st. Valle Verde 1 Pasig City.ikaw yung complete name mo at address?
AKO: ok i ti txt kita bukas
kinabukasan June 3 (*friday)7:30 am....
JOHN: Gud a.m po, package is ready na, magtransact po tayu as early as possible to avoid delay sa shipment. txt me the tracking number
AKO: ok
after kung ipadala ang tracking number, bigla akong kinabahan nag follow-up ko sa kanya kung napadala na nya, sabi nya hinuhulog na...pagdating nang alas 4 ng hapon tinxt ko sya ito ang naging usapan namin:
AKO: pre, kamusta na? na padala mo na ba?
JOHN: huh? anung padala? sino ka? (*na nagpainit ng tenga ko)
AKO: ako yung kausap mo kanina , na received muna ang pera? (*mahinahon pa din ako)
JOHN: anung pera? wala akong natatandaan...
AKO: wag kang ganyan umorder ako ng laptop, tao akong kausap, kaya wag mo akong gaganyanin.
JOHN: marami akong laptop dito, pero wala akong natatandaan na umorder ka..
(*bigla ko na realized na sa 2 taon kong online shopper ngayun lang ako naloko ng ganito..pero kailangan mag move-on agad para di na mawala sa sarili kaya iniwanan ko sya ng isang txt na....)
AKO: Ok lng pera lang yan, kaya ko yang kitain, ihanda mo na lang sarili mo sa karma, di man sayo sa pamilya mo. ma swerte pa din ako at hindi ko pinadala ang isang buong P10,000 , thank you for suggesting the half price.masaya ka sa ginawa mo? ako din masaya sa KARMA na mangyayari sa pamilya mo.
dalawang taon na kong online shopper, sa taong tulad ko na hindi mahilg mag mall , sa online shop ako namimili ng mga gamit at gadgets,kaya malaki na din ang tiwala ko sa mga ganitong paraan ng pamimili, yun lang minalas lang talaga, kung may natutunan man ako ngayung araw ehh, wag agad agad magtitiwala at laging mag ingat.
hindi ko ginawa tong blog na ito, para kaawaan ako o kainisan sa katangahan ko, ito ay mumunting paalala sa lahat na laging mag ingat.
dahil ang mga manloloko nagkalat sa lansangan sa bus, sa jeep, sa labas ng school at ngayun na invade na din nila ang Internet.
kaya ang laging paalala, wag tatanga tanga..=)