dati regular akong sumasakay ng jayross
mabilis kasi at malinis..
sumasakay ako ng guadalupe papuntang philcoa
wala naman problema kasi
malaki ang populasyon ng jayross, makikita mo sila pakalat kalat
sa kahabaan ng edsa, mapa north bound o south bound lane
minsan sila na lang ang
nag ba banggaan sa edsa.
pero nitong mga nakaraang buwan
nadidismaya ako sa serbisyo nila.
ang tagal nila huminto sa mga bus stop, partikular na sa robinson, ortigas
at farmers cubao, animoy may hinihintay o kaya
balak punuin ang buong bus. kaya ang mga pasahero
ibat ibang itsura ng mukha, yung ilan palinga linga sa harapan tapos titingin
sa relo nila, ang ilan naman sa bintana naka kunot ang noo, yung iba naman nakapikit na sa sobrang tagal, ako?, nagpupunit ng mga papel o gamit nang tiket
tapos itatapon ko sa ilalim ng upuan
yun lang pangganti ko, paglilinisin ko sila ng pira pirasong papel, hahaha
kaya isang araw habang nag aantay kay jayross,
nasilaw ako sa pulang pula na bus. na may pulang side mirror na parang
tenga ng kuneho
malayo pa lang kitang kita mo na. nang nakalapit na..
ay si kellen pala...iba ang itsura nya kung baga sa tao, babaeng babae,
malinis at mabango,
sinubukan ko syang sakyan, magsing bilis lang sila ni jayross
pero di sya ganun katagal huminto sa mga bus stop. kaya
nagustuhan ko siya, tulad ng marami sa atin na
araw araw pumapasok sa kani- kanilang trabaho at skwela
na sumasakay sa bus, ang nais lang namin ang mabilis
at hassle free na pag lalakbay. xoxo
si pareng jayross
at si mareng kellen
mga bus na madalas kong sakyan pag papasok ng opisina
ang jayross at kellen.

