Showing posts with label edsa. Show all posts
Showing posts with label edsa. Show all posts

Monday, April 11, 2011

kellen bus vs. jayross bus

 dati regular akong sumasakay ng jayross
mabilis kasi at malinis..
sumasakay ako ng guadalupe papuntang philcoa
 wala naman problema kasi 
malaki ang populasyon ng jayross, makikita mo sila pakalat kalat
 sa kahabaan ng edsa, mapa north bound o south bound lane
minsan sila na lang ang
nag ba banggaan sa edsa. 
pero nitong mga nakaraang buwan 
nadidismaya ako sa serbisyo nila.
ang tagal nila huminto sa mga bus stop, partikular na sa robinson, ortigas
at farmers cubao, animoy may hinihintay o kaya
balak punuin  ang buong bus. kaya ang mga pasahero
ibat ibang itsura ng mukha, yung ilan palinga linga sa harapan  tapos titingin
sa relo nila, ang ilan naman sa bintana naka kunot ang noo, yung iba naman nakapikit na  sa sobrang tagal, ako?, nagpupunit ng mga papel o gamit nang tiket 
 tapos itatapon ko sa ilalim ng upuan
yun lang pangganti ko, paglilinisin ko sila ng pira pirasong papel, hahaha
kaya isang araw habang nag aantay kay jayross, 
nasilaw ako sa pulang pula na bus. na  may pulang side mirror na parang
tenga ng kuneho
 malayo pa lang kitang kita mo na. nang nakalapit na..
ay si kellen pala...iba ang itsura nya kung baga sa tao, babaeng babae,
 malinis at mabango,
sinubukan ko syang sakyan, magsing bilis lang sila ni jayross
pero di sya ganun katagal huminto sa mga bus stop. kaya 
nagustuhan ko siya, tulad ng marami sa atin na 
araw araw pumapasok sa kani- kanilang trabaho at skwela
na sumasakay sa bus, ang nais lang namin ang mabilis
at hassle free na pag lalakbay. xoxo

si pareng jayross

at si mareng kellen

mga bus na madalas kong sakyan pag papasok ng opisina
ang jayross at kellen.