Showing posts with label blog. Show all posts
Showing posts with label blog. Show all posts

Saturday, April 09, 2011

DARK ALTER EGO

WHITE SWAN

BLACK SWAN


mahilig ako magbasa ng mga yahoo news, mga dyaryo, at magazine
lalo na kung petiks lng ako sa opisina, kasi imbes na makipag daldalan ka sa mga katrabaho mo ehh,magbasa basa ka na lng ,may matututunan ka pa at isa pa baka kasi biglang dumating si boss. atleast tipong masipag lang diba? hahah yun na nga... may isa akong article na nabasa at naging maingay na din ang salitang black swan sa internet bago pa manalo si natalie portman bilang best actress sa academy. medyo na curious ako sa movie kaya di nownload ko sya at pinanood, sa una nakakantok, kwento ng isang aspiring ballerina.di din naman kasi ako interesado sa mga ganung ka somethingan,pero para di masayang ang 2 days kong pag dodownload at pag coconvert ehh pinanood ko na nang tuluyan, pinanuod ko muna ang trailer nun sa youtube kaya inaabangan ko yung namula yung mata nya, may hinugot syang balahibo sa likod at yung nabali yung  binti nya... sa huli na pla yun ..pero nung natapos ko yung movie medyo napagisip isip ko parang may sense nman yung kwento, tungkol sa isang tao na  buong buhay nya parang ang linis linis nya tapos lalabas na lng yung black side nya dahil gusto nyang maging perpekto. naalala ko tuloy nung college ako may ka boardmate ako na nanghuhula hinulaan nya yung barkada ko na sobrang bait  
sabi nya "may black side ka at lumalabas sya tuwing gabi,habang pinipilit mong pigilan lalo syang tumitindi"
 parang gago lng diba hahaha, lahat nman tayu may black side, o black swan sa ibat ibang paraan, walang tao na perpektong malinis at walang nagagawang kagaguhan, lalo na sa panahon ngayun. ako nga kung makikita mo sa personal parang di makabasag pingan,pero kung sa kalokohan at kababuyan number one. 
hindi naman kasi tlga maiiwasan yan. parte na yan ng buhay ng tao, kelangan balanse.kasi kung mabait ka lagi sa kapwa mo aabusuhin ka. kung lagi ka nmang salabahe lalayuan ka nila, na sa sayu lng kung panu mo sya babalansehin .
 minsan mas makakapagtiwala ka pa nga sa mga taong mukang demonyo kesa sa mga taong mukang anghel. ang mahalaga lng kilala mo ang sarili mo
at alam mo kung kelan dapat ilabas ang pagiging black swan.

ZAMBOANGA VS. MANILA

yung isla na natatanaw nyu kung meron man haha
ehhh ang isla ng basilan

ako yan long hair pa ko nyan sept 2010 medyo nag iisip lng

nag pa piktyur ako sa bossing ko sa likod ng makukulay na VINTA
yung layag lng nauna na yung bangka.


first ko tong sumakay ng eroplano, medyo kinakabahan, pero di ko pinahalata 
enjoy nman ,parang bus lng pla, ang kaibahan pag may humps ang swabe ng galaw, kaya kakahilo

pagadian tricycle hanep parang kama lng pag sumakay ka, abay nakahiga ka na.
sabi ng mga residente, kasi daw matataas ang lupa sa pagadian, bulubundukin  kaya ganun ang design
napa WOW ako

zamboanga airport


sept 2010, nang mag seminar kami sa zamboanga kasama ang boss ko, at mga taga DTI region 9
nilibot namin ang zamboanga city, sibugay,pagadian, at dipolog, para sa taunang product development na proyekto ng DTI, layunin na magkaroon ng kaalamanan ang mga maliliit na negosyante sa pag papaganda ng kanilng produkto partikular na sa packaging nito.
 May isang ale nag tanung sakin 
"first time mo sa zamboanga"? 
sabi ko "opo"
sabi nya "natatakot ka ba"?
 sabi ko   "hindi naman po" .
" kasi yung last year na designer ayaw pumunta nang walang bodyguard or kahit mga pulis"
bakit? anak ba sya ni henry sy?
natawa ko dun (*ang babaw ko)
sa totoo  lng hindi nman magulo sa zamboanga, pakiramdam ko mas safe pa yung lugar na yun
kesa sa MAYNILA.
may maling impression kasi ang mga taga maynila pag sinabing Mindanao
parang yung nanay ko, sabi nya bago ako umalis
"OH magiingat ka dun MINDANAO yun , maraming rebelde dun, pakalat kalat
baka makita ka nila bagong mukha kidnappin ka , aba wala tayung pera. di pa nga tayu bayad kay aling nida"
nanay ko tlaga kung anu anu ang iniisip, tulad sya ng milyon milyong tao na di pa nakakarating ng zamboanga. 
Pero sa totoo lng mas Malinis, Maayos, Disiplinado, Mababait ag mga taga zamboanga kesa taga maynila. yun naman ay opinyun lng..