BLACK SWAN
mahilig ako magbasa ng mga yahoo news, mga dyaryo, at magazine
lalo na kung petiks lng ako sa opisina, kasi imbes na makipag daldalan ka sa mga katrabaho mo ehh,magbasa basa ka na lng ,may matututunan ka pa at isa pa baka kasi biglang dumating si boss. atleast tipong masipag lang diba? hahah yun na nga... may isa akong article na nabasa at naging maingay na din ang salitang black swan sa internet bago pa manalo si natalie portman bilang best actress sa academy. medyo na curious ako sa movie kaya di nownload ko sya at pinanood, sa una nakakantok, kwento ng isang aspiring ballerina.di din naman kasi ako interesado sa mga ganung ka somethingan,pero para di masayang ang 2 days kong pag dodownload at pag coconvert ehh pinanood ko na nang tuluyan, pinanuod ko muna ang trailer nun sa youtube kaya inaabangan ko yung namula yung mata nya, may hinugot syang balahibo sa likod at yung nabali yung binti nya... sa huli na pla yun ..pero nung natapos ko yung movie medyo napagisip isip ko parang may sense nman yung kwento, tungkol sa isang tao na buong buhay nya parang ang linis linis nya tapos lalabas na lng yung black side nya dahil gusto nyang maging perpekto. naalala ko tuloy nung college ako may ka boardmate ako na nanghuhula hinulaan nya yung barkada ko na sobrang bait
sabi nya "may black side ka at lumalabas sya tuwing gabi,habang pinipilit mong pigilan lalo syang tumitindi"
parang gago lng diba hahaha, lahat nman tayu may black side, o black swan sa ibat ibang paraan, walang tao na perpektong malinis at walang nagagawang kagaguhan, lalo na sa panahon ngayun. ako nga kung makikita mo sa personal parang di makabasag pingan,pero kung sa kalokohan at kababuyan number one.
hindi naman kasi tlga maiiwasan yan. parte na yan ng buhay ng tao, kelangan balanse.kasi kung mabait ka lagi sa kapwa mo aabusuhin ka. kung lagi ka nmang salabahe lalayuan ka nila, na sa sayu lng kung panu mo sya babalansehin .
minsan mas makakapagtiwala ka pa nga sa mga taong mukang demonyo kesa sa mga taong mukang anghel. ang mahalaga lng kilala mo ang sarili mo
at alam mo kung kelan dapat ilabas ang pagiging black swan.
No comments:
Post a Comment