Saturday, April 09, 2011

ZAMBOANGA VS. MANILA

yung isla na natatanaw nyu kung meron man haha
ehhh ang isla ng basilan

ako yan long hair pa ko nyan sept 2010 medyo nag iisip lng

nag pa piktyur ako sa bossing ko sa likod ng makukulay na VINTA
yung layag lng nauna na yung bangka.


first ko tong sumakay ng eroplano, medyo kinakabahan, pero di ko pinahalata 
enjoy nman ,parang bus lng pla, ang kaibahan pag may humps ang swabe ng galaw, kaya kakahilo

pagadian tricycle hanep parang kama lng pag sumakay ka, abay nakahiga ka na.
sabi ng mga residente, kasi daw matataas ang lupa sa pagadian, bulubundukin  kaya ganun ang design
napa WOW ako

zamboanga airport


sept 2010, nang mag seminar kami sa zamboanga kasama ang boss ko, at mga taga DTI region 9
nilibot namin ang zamboanga city, sibugay,pagadian, at dipolog, para sa taunang product development na proyekto ng DTI, layunin na magkaroon ng kaalamanan ang mga maliliit na negosyante sa pag papaganda ng kanilng produkto partikular na sa packaging nito.
 May isang ale nag tanung sakin 
"first time mo sa zamboanga"? 
sabi ko "opo"
sabi nya "natatakot ka ba"?
 sabi ko   "hindi naman po" .
" kasi yung last year na designer ayaw pumunta nang walang bodyguard or kahit mga pulis"
bakit? anak ba sya ni henry sy?
natawa ko dun (*ang babaw ko)
sa totoo  lng hindi nman magulo sa zamboanga, pakiramdam ko mas safe pa yung lugar na yun
kesa sa MAYNILA.
may maling impression kasi ang mga taga maynila pag sinabing Mindanao
parang yung nanay ko, sabi nya bago ako umalis
"OH magiingat ka dun MINDANAO yun , maraming rebelde dun, pakalat kalat
baka makita ka nila bagong mukha kidnappin ka , aba wala tayung pera. di pa nga tayu bayad kay aling nida"
nanay ko tlaga kung anu anu ang iniisip, tulad sya ng milyon milyong tao na di pa nakakarating ng zamboanga. 
Pero sa totoo lng mas Malinis, Maayos, Disiplinado, Mababait ag mga taga zamboanga kesa taga maynila. yun naman ay opinyun lng..

1 comment:

  1. tama po kayo...saludo ako sa mga sinasabi mo...akoy taga pagadian nagbabaka sakali dito sa batangas na maiahon ang pamilya at sa sarili ko, ...kaya nga lang...ang trabaho ko ay nasa computer shop lang.....

    ReplyDelete