ang bagyong pedring bow,
sa lakas ng iyong hagupit, mga puno'y nahirapang kumapit
ang isa ay tumumba, ang ilan naman ay naputol na
sa hangin na iyong dala, tila guguho na ang mall of asia,
ang kalsada'y puno ng tubig, dala ng iyong laway na malamig
pinalubog mo ang manila, animoy siyudad sa gitna lawa
inextend mo ang manila bay, sa mala- tsunami mong tidal wave
maraming natakot, marami din naman ang nalungkot.
sa mga nangyayaring ganito, di dapat isisi sa diyos
dahil tayo mismong tao ang gumagawa ng sarili nating unos
sa tinapon nating basura sa dagat, tayo dapat ay mag isip isip na
ang baha ba na ito ay dulot ng ulan, o basura na itinapon kung saan saan.
ang bagyong pedring bow
No comments:
Post a Comment