Wednesday, May 18, 2011

"O.T."

anu nga ba ang O.T. , ?
ang alam ko at alam nang lahat ng empleyado ito ay ang pinaikling 
Over Time
ito ay oras na kailangan nating bunuin para matapos ang isang bagay, sa basketball madalas nating marinig ito pag pantay ang score ng magkalabang kupunan, nagkakaroon ng overtime para magkaalaman kung sino ang panalo.
 pero ang alam ko ito ang mortal na kaaway ng mga empleyado na tulad ko , pero sa ilan ito'y kaibigan na masasandalan.
 Kaibigan, dahil sa iba ito ang tanging paraan upang makatakas sa mga bagay na iniiwasan nila pagkatapos ng trabaho, maaring  problema sa pamilya, malamang gugustuhin mong mamalagi sa trabaho kung laging may away sa bahay nyo, si misis na laging tamang hinala, o si mister na laging lasing 
o kaya naman depress ka sa break up nyu ng boy/girlfriend  mo, o basted ka na naman  8x sa ibat ibang babae na pinopormahan mo.
Hay isang bagay na mahirap iwasan kaya ang ilan ginugugol na lang ang oras sa labis na pagtatrabaho.
Kaaway, huh malamang naranasan mo na yung may importanteng lakad ka pagkatapos ng trabaho, tapos di ka pa pwede umuwi kasi ang dami mo pang tinatapos,
o kaya naman first date mo nakansel, dahil ang ka date mo computer,
o kamusta naman ang gimik ng barkada sila umiinom, ikaw nagaayos ng mga papel,
 ito pa malupet, alas 12:00 na nang hating gabi, asa opisina ka pa din sabay may mag te-txt ,”goodnyt, sweet dreams, sarap matulog pag pagod”,
grrr whaaaa, kakainggit, kakainis, kakatuyo ng utak.
Kaya ang Overtime minsan kaibigan , pero madalas kaaway, tulad ngayun nanganganib nanaman ako na mag overtime, partida ang dami ko pang drawings na kailangang tapusin , pero ito nagsusulat ako ng saloobin ko tungkol sa overtime, para kasing nangangati ang kamay ko na mag sulat, pantanggal umay lang sa ginagawa ko araw araw. Bakit pa
kasi nauuso yang Over time na yan.
Sino ba nagpauso nyan. kung nauso man yan kelan ba sya malalaos?

1 comment: