Friday, May 20, 2011

JUDGEMENT DAY (MAY 21 2011)

whaaaa anu ito?, may 20 2011  na ngayun shet bukas na ba ang katapusan nang mundo?
ewan ko basta ang alam ko ang  mga dilata namin sa bahay ehh january 2012 pa ang expiration date.
 ibig sabihin may 2012 pa,.
.ito nabasa ko sa isang article ayon kay harold camping , presidente ng family radio network sa oakland na sa MAY 21 2011 sa eksaktong alas 6 ng hapon may isang napakalakas  na Lindol na papatay sa maraming tao sa mundo...
at ayun sa kanya ang Lindol na ito ay may mga kasama pang ibang kalamidad. na parang pinagsabay sabay na tsunami sa japan at thailand, lindol sa new zealand at haiti, at baha sa pilipinas.
.Di na bago ang mga ganitong kwento at haka haka, may mga pelikula na nga
na ginawa na tungkol sa pag gunaw nang mundo.ang ilan dinaan pa sa kanta at tula.
sa relihiyon namin itinuturo na malapit na ang araw ng paghuhukom, pero hindi natin alam kung kelan, ang paghuhukom daw ay parang magnanakaw darating sa oras na hindi natin alam..
kaya nang malaman ko ang mga ganitong balita medyo alangan ako, kasi bakit may eksaktong date, di ba sila natatakot na dahil sa pinagpipilitan nila ang date na yun maaring maasar satin ang AMA at ibigay satin ang hinihiling natin?
 at kung sakaling hindi magkatotoo? hindi ba nakakahiya yun? parang isang malaking paratang na na wala namang concretong ebidensya?
Bukas pag nag sulat ulit ako ng blog tungkol sa Judgement Day,ibig sabihin walang katotohanan lahat ng pinagsasabi ng mga mokong na ito, pero pag di ako nakapagsulat, malamang wala na din magbabasa..
Pero para sa akin naniniwala pa din ako na ang pag hahatol ay walang eksaktong araw at oras, ang Diyos na Jehova lang ang nakakaalam ng tunay na oras at araw, wag natin syang pangunahan,
 Wag tayung mag marunong ,dahil lahat tayo dito sa lupa nilikha nya lang , walang taong nakakaalam ng mga plano nya para sa atin . pero importanteng pa rin na lagi tayung handa.

No comments:

Post a Comment