Sunday, May 29, 2011

"LAZY SUNDAY"

Alas dos ng hapon nang May 29, 2011, Linggo, Maulan, walang araw, kaka alis lang ni bagyong chedeng, malamig konti, kaya kakatamad maligo,
kilikili ko amoy sukang paumbong na pero mayat maya inaamoy ko hahah, ang buhok ko nag lalangis na sa kintab, ang dugyot dugyot ko na ngayun, ang haba nang bigote at balbas ko,tinatamad din akong mag ahit.kahit gusto ko gumalaw, di ko magawa.
 tuwing tatayo ako hinihila ako ng kama, parang nilalamig din sya, gusto nya may kayakap din sya... ang hirap ng ganitong pakiramdam, nag iinternet ako ng nakahiga ,paulit ulit lang ang mga site na binibisita ko, facebook nag aabang nag mag po-pop-out na chatbox, wala ehhh,o kaya red na ballons sa updates,nabuburyot lang ako sa kaantay..mukang tinatamad din lahat ng tao.... sa youtube naman wala man lang  interesting na video, kaya hanap lang ng mga 90's alternative songs,.sa twitter naman, naaasar ako sa mga artista na pa cute, ni hindi man lang ako finollow, anu yun tagabasa lang ako ng mga updates nila? mas maganda kasi yung my interaction sa ibang tao.
 kaya bihira ko lang buksan ang twitter ko kasi walang maganda sa twitter puro lang kaartehan ang ka-shit-an, binuksan ko lang ngayun kasi buryot na buryot ako ngayung linggo,kala ko may pag babago, ganun pa din pala, kaya ni log out ko na agad.
 Kinuha ko Gitara ko ang nagsimulang tumugtog at dahil tinatamad agad ko din tinapos ang kanta..
nahiga ulit ako sa , para akong mababaliw..
Nagsasalita ako mag isa kinakausap ko sarili ko, Inaaliw ko ang sarili ko sa pakikipagusap sa anino ko....Isa na lang ang ang natitira kong alas kung panu ko mapapabilis ang oras yun ay ang pagtulog, tama ang pagtulog ay mabisang paraan at gamot sa katamaran..
kaya agad kong tinakpan ang mukha ko ng damit, humiga katabi ang apat na malalambot na unan at
SOLVED.....

No comments:

Post a Comment