Sunday, May 29, 2011

PILIPINAS GOT TALENT OR PILIPINAS GOT THE LOOKS?

Di ako masyado nanunuod ng Pilipinas Got Talent ng channel 2 ,
 bukod kasi sa di ako naniniwala na talented ang mga kinukuha nilang mga contestant ehh, medyo alangan ako sa paraan ng pagpili ng tatlong judge ng PGT sa mga contestant na bet nila.
Madalas kasing mangyari ehh Look first before talent,
 may napanuod akong episode na may 2 magkaibang contestant pero pareho ng talent, pagkanta, yung isa tisoy na may itsura yung isa naman ehh bading na di maganda,
aminado akong pareho silang di magaling o walang talento sa pag awit,
 pero ang tisoy na may itsura ang binigyan nila ng pagkakataon na makapag compete sa next round, sa isa ding episode  mas napansin ni Kris Aquino ang ganda ng legs kesa sa talento ng contestant,
si AI AI naman ang gusto basta maganda ang register sa camera at may potensyal pasok na.,
nakakatawa na nakakainis ang standards ng mga Pinoy pagdating sa Talento.
Nakakatawa , kasi basta may potensyal sa pag aartista at maganda ang register sa Camera ok na , ang talent  huhubugin na lang.
 Nakakainis, kasi kawawa ang mga pinoy na may Average na itsura pero punong puno ng talento pero sila ang hindi nabibigyan ng pagkakataon na maipakita ang kanilang talento nang mas matagal.
Ito naman ay Opinyon lang, Ito ang nakikita ko.kaya Peace men!


No comments:

Post a Comment