Malayo na nga ang narating ng pambansang kamao ng Pilipinas na si Manny "PACMAN" Pacquiao, isa na sya sa pinaka tanyag na atleta sa buong mundo, at nangunguna sa larangan ng boxing ngayun.
Malaki ang naging bahagi nya at kontribusyon nya sa pag ingay ng bansang Pilipinas sa buong mundo.
Sino ba naman ang ang di makakakilala sa isang 5'7 na boksingerong tubong Gensan,
na noon sa mga pang baryong amateur boxing lang sya lumalaban,
ngayun, napatumba nya lang naman ang pinaka malalaking pangalan sa larangan ng boxing sa ibat ibang bansa.
tulad nila Oscar dela hoya ng Amerika, Ricky Hatton ng Inglatera, Erik Morales ng Mehiko, at marami pang iba.
At dahil dito, kaliwa't kanan ang endorsement nya, may mga T.V. guesting pa hindi lang sa Pilipinas pati sa ibang bansa,
naging paboritong atleta lang naman nila Beyonce Knowles, Mario Lopez, Daniel Radcliffe,Paris Hilton, Sylvester Stallone, Justine Bieber at marami pang malalaking pangalan sa Hollywood.
At ngayun ayon sa Forbes Magazine, si PACMAN ay ang pang 24th sa may pinaka mataas na bayad na atleta, at nangunguna sa larangan ng boxing, tunay ngang mapagmamalaki ang ating kababayan na si Manny Pacquiao.
Napahanga nya ang buong mundo sa galing ng mala laser beam nyang galaw, at mala splash nyang kamao, kaya sa ating mga Pilipino "WALA" tayung karapatan na laitin at i criticize si Manny dahil lang sa
wrong grammar kuno at barok na accent ng pamabansang kamao,dahil kahit gaano tayu ka talino at ka galing sa english, kung hindi naman tayu nakakatulong sa bansa para umunlad at makilala sa ibang bansa ehh wala din.
kaya imbes na laitin, tulungan natin sya na ma improve pa ang mga dapat ma improve,
at maging PROUD para sa kanya.
dahil isa na nanamang Pilipino ang gumuhit ng kasaysayan sa mundo.
No comments:
Post a Comment